Internet: Tulay ng Impormasyon

Laganap na sa buong mundo ang pamamayagpag ng Internet bilang isang malawakang aklat ng impormasyon. Madalas sa atin ay hindi na nangangailangan pa na maghanap at pumili ng mga librong gagamitin upang may matuto patungkol sa isang konsepto. Sa panahon natin ngayon, mumunting pagpintod lang sa ating keyboard at isang click sa mouse ay sapat na upang masabing abot- kamay na nga natin ang ninanais na kaalaman. Lalo’t higit hindi na ito bago para sa ating mga estudyante.
Bilang isang mag-aaral din, araw-araw kong nagagamit ang Internet sa iba’t-ibang dahilan. May mga pagkakataong nanood ako nag mga video sa Youtube. Kung minsan, binubuksan ko ang Facebook para maging updated sa mga pangyayari sa paaralan. Nakakapagbasa rin ako sa iba pang kilalang blogs lalo na kung may kinalaman sa pananamit. Pero syempre, nagagawa ko lamang ang mga ito kung may libreng oras at walang gaanong ginagawa kaugnay sa aking mga klase.
Napakarami pang silbi nag Internet at kahit ano’ng social media na mayroon tayo. Natatandaan niyo pa ba ang mga panahong sinisimulan pa lang natin ang paggawa ng research paper? Unang takbuhan natin ang Internet sa pananaliksik dahil kung tutuusin mas madali nga naman ang simpleng paghahanap ng mga artikulo sa Google kaysa sa matagalang pagsuyod sa buong silid-aklatan. Halos lahat sa atin ay nagmamay-ari na ng laptop o tablet maliban sa cellphone kaya wala nang dahilan para hindi makagawa.

Isa lamang ito sa magagandang naidudulot ng Internet sa buhay estudyante. Narito pa ang ilan kasama na rin ang hindi maayos na pakinabang nito sa atin:


1. Impormasyon
Ang mga kaalamang matatagpuan sa Internet ay nakalahad na sa mga dyaryo, magasin, at libro kung kaya’t nakasisigurong bago sa bawat araw na magdaraan. Gayundin, nakakalamang ang dami ng impormasyon nito kaysa sa maliliit na silid-aklatan ng paaralan man o bayan.

Subalit, hindi sa lahat ng pagkakataon ay may kredibilidad ang bawat website na mapupuntahan. Sa karamihan na rin ng impormasyon, nakakalito kung alin sa mga ito tama at kung kalian ba dapat nang tumigil sa pagsagap nag mga ito.

2. Online Education
Siguro’y naririnig niyo na na sa ilang paaralan ay may nagaganap na online classes kung saan maaaring nagsasagot sila dito ng mga pagsusulit atbp. Maganda sapagkat hawak mo ang iyong oras na walang nakaantabay na skedyul. Isa pa, nakakatulong ito sa mga piniling maging homeschooled.

Ang problema lang sa online education ay walang tuwirang interaksyon ang estudyante sa magtuturo. Paano kung may mahalagang tanong ang mag-aaral? Hindi niya matatanggap kaagad ang klaripikasyon sa pinag-aralan.

3. Kasanayan sa Pakikisama
Hindi maipagkakailang marami tayong nakikilalang tao sa Internet. Iba’t-ibang personalidad ang natutuklasan kahit hindi pa lubusang kilala. Dito tayo matututong makipag-usap kahit ‘di mismo natin sila kaharap. Yumayabong din ang kaalaman sa ibang kultura kung sakaling makatagpo ng ‘di kauri.

Iyon nga lang, maaaring makasira ito nag mga relasyon natin sa ibang tao sa totoong buhay. Hindi naman maganda kung purong insant messaging lang ang alam na paraan sa pakikipag-ugnayan sa iba. Pagdating ng panahon, mararanasan nating mainterbyu, at kung wala tayong sapat na kakayahan sa personal na pagsagot ay madalang ang tanggap ng trabaho. Isa pa, maaaring magkulang ang kakayahan sa tamang pakikinig.

Batay sa pag-aaral, pumapangalawa ang paggamit ng social media sa pang-araw-araw na gawain natin sunod sa panunuod ng telebisyon. Sa mga araw pang magdaraan, sulitin natin ang oras na inilalaan sa paggamit ng Internet at social media. Gawing mas makabuluhan ang nakakalap na impormasyon sa realidad ng buhay. Iba pa rin ang may alam kung ihahambing sa isang estudyanteng walang pinalipas na araw na hindi nagpo-post sa kanyang accounts.

Maging mabuting impluwensya tayo sa isa’t isa, at isiping lahat ay sa moderasyon lamang.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s